AGATHA Nakapikit at dinadama ko ang bawat pag-gapang ng mainit na labi at halik ng asawa ko. Mabagal lamang kung paano hagurin ng dila niya ang pang-ibabang labi ko at pagkatapos ay sisipsipin na at bahagyang kakagatin na tila ba inaakit ako. Maingat ang bawat haplos ng mga kamay ni Draven sa balikat at braso ko. Siguro ay nag-iingat siya dahil na rin sa alam niyang hindi pa maayos ang pakiramdam ko. "I missed you so much, hon. Hanggang imagine na lang akong sana katabi kita sa loob ng isang linggong pinapanood kitang matulog mag-isa sa kama," paos at mahinang bulong sa akin ng asawa ko ng saglit na pinakawalan at tiningnan ang panghahalik sa labi ko. "Na-miss mo rin ba ako?" sensual na tanong ni Draven ng halikan ako sa gilid ng labi ko. Tumango ako at itinaas ang kanang kamay para a