AGATHA Nagising akong masakit ang ulo at nakaramdam ng pagkahilo ng idilat ko ang mga mata ko. Wala na si Draven sa tabi ko at mukhang umalis na naman ang lalaking iyon na hindi ako ginising dahil pinuyat nga naman niya ako. Akmang babangon na sana ako ng mapagtanto na wala pala akong suot na kahit anong damit. Nakatulog akong hubo't hubàd kagabi, dahil na rin sa mainit na tagpong namagitan sa amin ng asawa ko. Agad na inabot ko ang nakapatong na cellphone sa ibabaw ng drawer malapit sa kama. Mabilis na tiningnan ko kung may text message or tawag ba akong natanggap mula kay Zi o sa tauhan niya. Kailangan kong maging alerto, lalo na at alam ni Draven kapag may ibang tumatawag at nagti-text sa cellphone ko. Siguro abala pa siya ngayon, kaya hindi pa napansin ng asawa ko na may ibang