AGATHA "How? Paano siyang nawala sa radar mo, Sir Declan? We both know kung anong kakayahan mo, para ma-trace at mamonitor ang movement at whereabouts ng isang tao, lalo na kung kagaya ni daddy na isa sa mga nasasakupan mo at kasapi sa organisasyon," seryosong tanong ni Theresa na tumayo pa. "Lower your tone, Theresa!" matigas at mariin na utos ni Mr. Madrigal. Inabot ko ang nanginginig na braso ni Theresa na nakakuyom pa ang kamao. "I'm sure, may hindi ka sinasabi sa amin, Sir Declan," nag-aakusang sabi ng kapatid ko. Nakita ko kung paano nangunot ang noo ng lalaking kaharap namin matapos marinig ang sinabi ni Theresa. Sumulyap siya sa akin at pagkatapos ay bumaling sa kapatid ko. "Sinabi ko na kung ano ang dapat ninyong malaman," seryoso at mapanganib na sagot ng kaharap namin.