DRAVEN Naiwan si daddy sa bahay para bantayan si mommy at pati na rin ang asawa ko. Kahit alam kong masama ang loob sa akin ni Agatha at nagtatampo siya sa nangyari kanina ay hindi ko muna kinausap. Bukod sa tinatalo ako ng takot ng makita ko kung paano siya na galit sa akin ay kinakabahan rin ako ng husto. Hindi ko alam kung bakit, pero iba ang pakiramdam ko sa kung paano niya ako titigan gamit ang malungkot na mga mata kanina. Tama lang siguro na umalis muna ako para pagbayarin at singilin ang hayop na matagal ng salot sa pamilya ko. Kahit anong mangyari ngayon, hindi ako papayag na hindi ko makuha ang demonyong mastermind sa pagkamatay ng grandfather ko na di Collin Madrigal. Sinamantala ng mga kalaban namin na mahina siya, kaya nagawa nilang patayin si lolo ng walang kalaban-laba