AGATHA Mataas na ang araw ng ihatid ako ni Draven dito sa beach house na tinutuluyan ko. Narito na rin ang professor ko at naghihintay daw sa akin ng dumating ako. Agad na binati at sinalubong kami ni Sonia nang sabay kaming pumasok ng asawa ko sa pintuan. "Good morning po, Ma'am Agatha, Sir Draven," magalang na bati ni Sonia sa amin. "Naghihintay na po sa loob ng library si Professor Vargas." Ngumiti ako kay Sonia at sinabing pupunta ako sa library mamaya. Kailangan ko lang munang magbihis at kunin ang ilang personal na gamit na nasa loob ng silid ko na siyang gagamitin ko mamaya sa lesson namin ni Professor Vargas. "Mag-stay ka ba dito sa beach house, Draven, hanggang matapos ako mamaya?" baling na tanong ko sa nakatayong asawa ko. "Yes," tipid na sagot ni Draven na hindi biniti