AGATHA Maghapon at magdamag kaming magkasama ng asawa ko. Nanatili kaming dalawa ni Draven sa yate. Wala kaming ibang ginawa kung 'di ang mag-usap, kumain at matulog, pero sapat na iyon para makontento akong kasama siya. Wala na akong ibang mahihiling pa kung 'di ang sana'y huwag na muna siyang umalis at makasama ng mas matagal pa. Dumating na rin kasi ako sa puntong, naisip kong sana ay ganito na lang kaming dalawa. Kung ako lang ang masusunod at kung p'wedeng maging makasarili ako ay hihilingin ko kay Draven na lumayo na lang kami sa mapanganib at magulong mundong kinabibilangan at ginagalawan niya. Gusto ko nang payapang pamumuhay. Walang kinatatakutan at walang naka-abang na panganib sa araw-araw, pero hindi ko rin naman p'wedeng kalimutan na parehong may dugo ng isang mafia ang