AGATHA Tanghali na ako nagising. Ang pasaway na asawa ko, hindi man lang ako ginising eh, alam naman niyang darating si Professor Vargas para sa daily home studies ko sa beach house ni Tito Sabby. Nawala ang antok ko ng makita ko ang orasan. Lagot, almost nine na pala nang umaga at nakatulog ako ng mahimbing. Siguradong magagalit si Tito Sabby kapag nalaman niyang bukod sa hindi na nga ako umuwi kagabi at umalis ng walang paalam ay hindi pa ako nakauwi ng maaga. Kipkip ang kumot na pumasok ako sa banyo para maligo at maglinis ng katawan. Malagkit ang pakiramdam ko sa pagitan ng hita ko. Nakatulog akong hindi man lang nakapag-hugas kagabi dahil sa labis na pagod, matapos ang ilang ulit na pagniniig namin ng asawa ko. Dali-dali akong naligo. Basta ko na lang inabot at isinuot ang nakas