AGATHA "What do you mean?" kunot ang noo na tanong ni Theresa sa akin. "Ano ang mga natatandaan mo, kasama ang pamilya natin noong mga bata pa tayo bago nangyari ang sunog, Theresa?" seryosong tanong ko sa kapatid ko. Mas matanda siya sa akin ng mangyari ang trahedya sa pamilya namin. Mas marami siyang ala-ala kasama ang pamilya namin kumpara sa akin. Kung may isang tao akong dapat tanungin at paniwalaan, siya iyon dahil alam kong hindi magsisinungaling si Theresa. Hindi agad sumagot ang kapatid ko. Tipid na ngumiti lamang sa akin bago humakbang at inaya akong maupo sa sala. "Let's go downstairs, doon tayo mag-usap." Sumama ako kay Theresa. Sa malawak na bulwagan kami humantong at pagkatapos ay sabay na umupo sa malapad at malambot na sofa. "Bata at maliit ka pa lang noon nang mangy