AGATHA Tahimik na bumaba ako sa lumapag na chopper sa malawak na lupain. Mga palayan ang nakita ko kaninang pababa ang helicopter na sinakyan namin. Naisip kong nasa probinsya kami, pero malapit lang sa Maynila, dahil ilang minuto lang naman ang naging byahe bago kami nakarating dito. "Anong lugar ito?" blangko ang ekspresyon ng mukha na tanong ko. "Cavite, Miss D," sagot ng babaeng kasabay kong naglalakad. Hindi na ako kuling nagtanong pa at tahimik na naglakad kasama ang dalawang babaeng sumundo sa akin. Malaki ang bahay na bumungad sa mga mata ko. Malawak ang sakop na lupain ng mataas at may kalumaan na mansion. Bumaling ako sa kasama ko at nagtanong. "Kaninong bahay ito?" curious na tanong ko. "Pag-aari ito ng angkan mo, Miss D. Sinunog ng mga Madrigal ang dating bahay ng mga m