AGATHA Daig ko pa ang saglit na tumigil ang pag-inog ng mundo ko dahil sa narinig kong sinabi ni Draven. Tuluyang bumagsak ang mga luha sa pisngi ko at namasa ang mga mata ko. Nag-iwas ako ng tingin kay Draven, para hindi niya makita na nasasaktan ako dahil sa masakit na salitang binitawan niya. Wala na rin akong narinig na kahit ano mula sa kan'ya matapos sabihin iyon. Hindi rin siya nagtangkang lumapit sa akin habang para akong tuod na nakatayo kaharap niya. Ilang minuto kaming ganito ni Draven, hanggang sa pareho kaming napatingin sa bumukas na pintuan. Humahangos na pumasok ang isa sa mga kapatid niya at tila ba sobrang nag-aalala. "What happened, Drake?" agad na tanong ni Draven na hindi maipinta ang mukha. "Si Daddy Lolo, someone attacked him in his room!" malakas na sagot ni D