AGATHA "Ang alam mo lang ay kung ano ang inaakala mong nabuo d'yan sa isip mo, Draven," napailing at malungkot na sagot ko. "Bakit ba ayaw mong makinig at maniwala sa akin?" Humihingal na tumigil sa pagwawala at pagsuntok sa mesa si Draven. Madilim ang mukha na tumingin siya sa akin na may pag-aakusa sa mga mata. "Buong buhay ko rin, hindi ko alam kung ano ang totoo sa buong pagkatao ko. Kasama kita kung paano ko hinanap si Crista, hanggang sa natuklasan ko ang tungkol sa mga magulang ko. Sinubukan kitang kausapin ng puntahan kita sa kulungan, pero sabi mo, hindi mo ako p'wede kausapin doon kaya kahit nasaktan ako, tinanggap ko ang paliwanag mo." Saglit na tumigil ako sabay lunok dahil pakiramdam ko ay may nakabarang laway sa lalamunan ko. Mabilis na pinahid ko ang luhang bumagsak mu