Chapter 39: Testing THIRD PERSON'S P.O.V Nang magising kinaumagahan si Atticus ay agad na kumunot ang noo niya ng makita niya si Erin na nakahiga sa braso niya. At nang subukang alalahanin ni Atticus ang nangyari sa kanya kagabi ay naalala niyang lasing na lasing pala siya kagabi. Dun lang din pumasok sa isip ni Atticus na baka may nangyari sa kanila ni Erin dahil kapag lasing na lasing siya ay palagi niyang napagkakamalang si Blaine si Erin. Agad namang napamura at napahilot sa sintido niya si Atticus bago binawi ng dahan-dahan ang braso niyang hinihigaan ni Erin. At dahil din sa ginawang iyon ni Atticus ay tuluyang nagising ang dalaga. Nang umiwas ng tingin si Atticus ay unti-unti na naman niyang naamoy ang pheromones ni Erin. At dahil dun kaya naman na-realize ni Atticus na in heat