Chapter 38: Happenings THIRD PERSON'S P.O.V "Huy, pre! Kanina ka pa nakatulala diyan at wala ka sa sarili mo. Natapos na lang ang meeting natin sa venue pero hindi ka man lang makapag focus sa trabaho mo. May problema ba kaya kanina pa malalim iniisip mo?" nag-aalalang tanong ni Tyson kay Atticus. Napahinga na lang nang malalim si Atticus ng maalala niya ang nangyari kanina sa flower shop. Hanggang ngayon ay para paring pinipiga ang puso niya kapag naaalala niya na may pamilya na si Blaine. "Pwede bang samahan mo ako uminom sa bar, Ty? Libre na kita, gusto ko lang talagang malasing ngayon," tanging na sabi na lang ni Atticus sa kaibigan niya. At dahil sa pag-aalala ay sumang-ayon na lang si Tyson. Pero bago sila nagmaneho patungong bar ay nag-iwan muna ng mensahe si Tyson sa boyfriend