Chapter 37: Surprised BLAINE'S P.O.V Nang makita kong naglakad palabas si Atticus ay agad na nanghina ang tuhod ko. Agad naman akong inalalayan ni Bailey. Hindi ko inaasahan ang mga nangyari ngayong araw. Hindi ko inaasahan na muli kong makikita si Atticus at sa tagal ng panahon na hindi kami nagkita ay nagbago na rin ang itsura niya. Mas naging maskulado ang katawan niya at napansin ko rin na nagkaroon na siya ng eyebags sa ilalim ng mata niya dahil mukhang napapabayaan niya na ang sarili niya. Pero hindi ko maikakaila na mas gumwapo siya kaysa noong nasa college pa kami. Mas naging manly at Alpha na talaga ang awra niya kaya naman hanggang ngayon na wala na siya sa harapan ko ay hindi p rin matigil ang pagtibok ng puso ko nang mabilis. Mabuti na lang talaga at hindi ako nawal