Chapter 36: Revelations ATTICUS CZAR'S P.O.V Nang matapos magkwento ni Mom ay agad naman akong nagpaalam na uuwi na dahil bumalik din agad si Erin sa table namin. Nang makarating kami sa parking lot ni Erin ay agad kaming sumakay sa kotse ko. At habang nasa byahe kami ay napapaisip ako. Sobra akong nakaramdam ng curiosity sa Omega na tinutukoy ni Mom. Isa pa, habang kinukwento kasi sa amin ni Mom iyon ay parang dinudurog din ang puso ko sa kwento ni Mom. Naaalala ko kasi si Blaine habang kinukwento sa amin ni Mom iyon. Hindi ko maiwasan ang mag-alala kay Blaine lalo na't hindi rin alam kung ano na bang balita kay Blaine. Pinagdarasal ko na sana ay ayos lang siya at hindi siya nahihirapan sa estrus cycle niya dahil wala ako sa tabi niya. Agad naman akong natigil sa pag-iisip ng naramd