Chapter 35: Suspicion (2) THIRD PERSON'S P.O.V Habang inaasikaso ni Blaine ang mga customers nila ay bigla na lang ding dumating ang boss niyang si Cesar. "Good afternoon, guys!" nakangiting bati ng matandang lalaki sa kanilang mga staff. "Good afternoon, Sir! Mukhang napaaga po kayo ng daan sa shop, ah?" nakangiting bati naman pabalik ni Blaine. Agad naman siyang nilapitan ng matandang lalaki dahil titingnan nito ang mga nakalista sa computer na mga nabiling bulaklak nitong nakaraang araw. "Oo, kailangan ko kasi umattend sa family dinner namin mamayang gabi kaya inagahan ko ang punta dito. Isa pa hindi lang itong branch ang kailangan kong puntahan. May ibang branch pa akong dadaanan, after this." sabi naman ng boss ni Blaine. Kaya naman tumangu-tango na lang si Blaine saka hinayaan