Chapter 34: Suspicion THIRD PERSON'S P.O.V "Papa, batit po ita lang po papa 'to?" (Papa, bakit isa lang po papa ko?) Nabigla si Blaine ng tanungin siya ng anak niya. Hindi agad nakasagot si Blaine dahil tiningnan niya kung gaano ka seryoso ang anak niya. "Bakit mo naman na tanong iyan anak?" nag-aalalang tanong ni Blaine sa anak niyang babae. "Tasi po natita to ta T.V 'yung bata dalawa papa na," (Kasi po nakita ko sa T.V 'yung bata dalawa papa niya) At dahil dun kaya naman nalaman ni Blaine kung bakit nagtatanong ang anak niya tungkol sa ama nito. Dahil pala sa kuryusidad ay hindi maiwasang itanong ni Attilaine kung bakit isa lang ang papa niya hindi tulad sa napanood nito sa T.V. Kaya naman ng mga sandaling iyon ay hindi makapagsalita si Blaine. Gusto niyang sagutin ang anak ni