Chapter 33: Searching ATTICUS CZAR'S P.O.V "Sir, Andiyan na po si Sir Tyson sa labas ng office n'yo. Papasukin ko na po ba?" tanong sa akin ng sekretarya ko kaya naman marahan lang akong tumango. Matapos makapasok ni Tyson sa opisina ko ay agad akong umayos ng upo. Umupi naman agad si Tyson sa harapan ng table ko at nakita ko namang seryoso itong napatingin sa akin. "May balita na ba kay Blaine?" seryosong tanong ko at agad akong napahinga nang malalim ng makita ko siyang umiling. "Sinubukan kong tanungin ng tanungin si Rhys tungkol sa kaibigan niya pero ayaw niya talaga sabihin sa akin kung nasaan ang kaibigan niya. Kahit na nagde-date na kami ni Rhys, wala pa rin siyang tiwala sa 'yo," nag-aalangang sabi ni Tyson sa akin saka napakamot sa batok niya. Napapikit na lang ako nan