Chapter 41: Unexpected BLAINE'S P.O.V "Tama ba ang narinig ko, Blaine?" nag-aalalang tanong sa akin ni Rhys kaya naman napainom ulit ako sa bote ng beer na hawak ko. Kasalukuyan kasi kaming nagtitipon sa condo unit ni Bailey dahil pinatawag ko si Rhys. Gusto ko kasing makausap sila sa nangyari sa akin sa shop kanina. "Oo nga! Tama ka ng narinig, totoong nag-quit na nga ako sa trabaho ko," mahinang sagot ko naman kay Rhys. Nakita ko namang nagkatinginan si Rhys at Bailey bago muling bumaling sa akin. "Bakit mo naman gagawin iyon? Akala ko ba mahalaga ang trabaho mo sa'yo?" naguguluhang tanong naman ni Bailey sa akin. Kaya naman napabuntong-hininga muna ako saka naikuyom ang kamao ko. Hindi ko pa rin kasi makalimutan ang nangyari sa shop kaninang umaga. Hanggang ngayon ay hindi pa ri