Chapter 42: Revelations THIRD PERSON'S P.O.V "A-anong sinasabi n'yo, Mama? H-hindi ko kayo maintindihan..." naguguluhang tanong ni Erin kay Cesar. Napabuntong-hininga naman si Cesar saka muling bumaling sa asawa niya, kay Atticus at Erin. "Hija, tama ka ng narinig. Itong laman ng envelope ang resulta ng DNA test ni Atticus at nang anak ni Blaine," seryosong sabi ni Cesar. "P-pero b-bakit kailangan n'yo silang ipa-DNA? Isa pa, bakit ngayon n'yo lang sinasabi sa akin na nahanap n'yo na si Blaine?" nababahalang sabi ni Erin. Nang mga sandaling iyon ay nagsisimula na rin makaramdam ng kaba si Erin dahil alam niyang may hindi magandang mangyayari. Matapos kasi ipatawag si Erin at Atticus ng mga magulang ni Atticus ay hindi inaasahan ni Erin ang pag-uusapan nila. Inaanunsyo lang naman s