Chapter 44: Plea THIRD PERSON'S P.O.V Nakita naman ni Blaine na unti-unting lumapit si Atticus sa direksyon nila. Nakita naman ni Blaine na masayang nakatitig si Atticus sa anak nila. Nang bumaling naman si Blaine sa anak niya ay nakita niyang kunot-noo itong nakatingin kay Atticus. Saka lang na-realize ni Blaine na hindi pa nga pala niya nasasabi sa anak niya ang tungkol sa ama nito. "Papa, tino po tiya?" (Papa, sino po siya?) seryosong tanong ni Attilaine kaya naman biglang kumunot ang noo ni Atticus. Huminga muna nang malalim si Blaine saka marahang ngumiti sa anak niya. "Anak, naaalala mo ba iyong palagi mong tinatanong sa akin noon?" "Ti Dada po ba?" (Si Dada po ba?) sagot naman ni Attilaine sa ina niya. "Oo anak. Pasensya na kung 'di ko agad nasabi sa'yo. Itong lalaking kahar