Chapter 45: Wrong ATTICUS CZAR'S P.O.V "Atticus, ayos ka lang? Kanina ka pa ngiting-ngiti diyan," nagtatakang tanong sa akin ni Tyson kaya naman bumalik ako sa realidad sa malalim na pag-iisip. "Ah, nakalimutan ko pala sabihin sa inyo na positive ang DNA test pa pinagawa ni Mom. I have a daughter with Blaine. They live in my parents house right now," I tried to explain. Nakita ko namang agad na nagkatinginan ang mga kaibigan ko at pareho silang hindi makapaniwalang napatingin sa akin. "S-seryoso ba? Alam ba ni Erin ang tungkol sa anak mo kay Blaine?" takang tanong naman ni Damien. Marahan naman akong tumango. "Yeah, she already knew about it. My parents tried to talk to her." "Masaya ako para sa'yo pre na nahanap mo na ang mag-ina mo pero hindi kaya masyadong mahirap kay Erin yung s