TORN DANGER ROSS __ "Marami pa roon... puntahan natin." Kanina pa ako naglalakad sa garden habang nakasakay ito sa mga balikat ko, bitbit ang isang basket ng mga bulaklak. Hindi pa siya puwedeng maglaro at mapagod pero gusto niyang lumabas kaya naman sinakay ko na lang siya sa balikat ko. Esther approved, so she was very happy. Pumitas ako ng bulaklak at inabot sa kaniya. "Mr. BG, I like that red one." "Okay..." Lumipat ako ng direksyon para kuhanin ang tinutukoy niya at muling inabot sa kaniya. "Are you all right there?" "Yes, comfortable." Umangat ang sulok ng labi ko sa sagot nito. Nang mapuno namin ang basket ay lumabas na rin kami ng hardin. Binaba ko siya sa silya na nasa porch. Lumapit naman agad sa amin si Sarem para dalhan kami ng vase, painumin ng tubig si Uri, at sigur