TORN DANGER ROSS __ "Move your arms," I instructed na agad din nitong sinunod. "Like this?" "That's right. I will let go of you. Are you ready?" "Ready!" Dahan-dahan ko siyang pinakawalan sa tubig. Ginalaw nito ang mga kamay at paa para lumangoy. Hinayaan ko siya sa ilang sandali ngunit sinalo ko rin siya bago pa siya lumubog. Tumawa ito. "I'm getting better at it!" "You can do better. I know." "One more, Mr. BG!" "Uri!" tawag sa kaniya ni Sarem. "Ang sabi ni mommy mo huwag kang magtatagal sa tubig kasi kagagaling lang ng lagnat mo." "Don't be so KJ, Yaya!" "Sinasabi ko lang. Alam mo naman ang mommy mo kapag sinasapian! Halika, naluto ko na itong inihaw na barbeque na gusto mo. Kumain ka muna." Tila na-excite ito sa narinig at nagpaahon na sa akin mula sa swimming pool. Lumapi