EMMANUELLA ESTHER DE VERA __ "Mommy, look!" Mula sa inaayos na mga bulaklak sa vase, binaling ko ang tingin ko rito. Hawak niya ang isang kulay itim na manika. It was an ugly witch ngunit paborito niya. "I found it!" nakangiting sambit nito. Magulo pa ang buhok niya katulad ng manika niya at nakasuot siya ng itim na dress na umaabot hanggang sa talampakan niya. "You didn't comb your hair again." "Because I tried to find Witchy!" Tumakbo ito palapit sa akin at tumayo sa gilid ko. "Braid my hair, Mommy." Nakita ko sa gilid ng mata ko na paparating si Sarem. Humugot ito ng malalim na hininga. "Hay nako, pinaghabol na naman ako ng suklay ng makulit na bata. Hindi ko alam kung bakit gustong-gusto niya ang laruang iyan. Kay pangit-pangit naman." Mabilis bumaling sa kaniya ang anak ko