TORN DANGER ROSS __ Nakatayo lang ako sa gilid ng sasakyan nang matanawan ko si Sarem. "Mr. Abe, sumabay daw ho kayo sa almusal, ang sabi ng batang makulit." Inayos ko ang suot na coat bago ako tuluyang sumunod rito sa loob ng mansion. Katulad noong nakaraan, malapad itong nakangiti sa akin. Hindi naman ako binigyan ng atensyon ni Esther na noon ay kasalukuyan kumukuha ng pagkain para ilagay sa pinggan ng bata. "Good morning, Mr. BG!" "Good morning, young lady." Marahan akong naupo sa katapat na silya. Tiningnan ko ang pinggan sa harap ko. "I prepared your food! I cooked the egg and hotdog using the air fryer!" Nakapuwesto ang itlog sa ibabaw ng kanin habang nakalagay naman ang dalawang hotdog sa magkabilang side. Mayroon na ring ketchup sa isang gilid na nakahugis sa puso. "Di