EMMANUELLA ESTHER DE VERA __ "Mr. BG, please teach me how to swim." Kasalukuyan itong kumakain ng hapunan ngunit kanina pa nangungulit sa bodyguard niya para sa swimming lessons. "Say yes, please..." "Uri, pakainin mo kaya muna si Mr. Abe. At saka akala ko ba ay ayaw mo ang swimming pool dito sa mansion dahil pangit at luma kaya nga sa labas ka nagsu-swimming lesson, hindi ba?" ani Sarem. "I changed my mind. I want to learn to swim with Mr. BG. I'll get ready after eating!" "Uri, it's already late. Hindi ba puwedeng bukas na iyan?" tanong ko habang nakatingin pa rin sa pinggan ko at ginagalaw ang mga kubyertos doon. "But, Mommy, I have classes tomorrow." I almost forgot about it. Hindi na ako nagsalita pa at siya na mismo ang nag-utos kay Sarem na linisin at lagyan ng tubig ang po