TORN DANGER ROSS __ Natapos na ang ilang klase niya na may mahahaba ring pagitan simula pa kaninang umaga. Mayroong isang nakabukod na bahay sa loob ng lupain nila na para bang isang malaking library. May mahabang mesa doon at may pangalawang palapag ng mga libro. Ang sabi ni Sarem, iyon ang nagsisilbing eskwelahan ni Uri. Naging masaya ito sa tatlong naunang klase. Nanunuod lang ako ngunit masasabi kong isa talaga siyang matalinong bata sa edad niya. Napansin ko rin ang pagiging sabik niya sa tao o sa kausap. Hindi ko alam kung gaano katagal na plano ni Esther na ikulong lang ito sa bakuran nila. Ano man ang gusto niya, I should not give a damn. After all, parehas ko pa ring sisirain ang mga buhay nila. Dumating ang huling guro nito para sa buong araw. Sinalubong niya ito ng yakap