Chapter 6

1955 Words
EMMANUELLA ESTHER DE VERA __ "Tell me your secrets." "I don't have secrets." Pinatong nito ang hita sa ibabaw ng isa pang hita niya at kinuha ang baso ng alak. "All of us have our own secrets..." "Anong nagtulak sa'yo para isiping ikaw ang tipo ng taong sasabihan ko ng isang malalim na sikreto?" "Naisipan ko lang na isa iyon sa mga paraan para lubusan pa nating makilala ang isa't-isa." "At sinong nagsabi sa iyong interesado ako?" Umangat ang sulok ng labi nito. "I like that you are really making it hard for me. Like what you said, anything hard to get is worth it." Sumimsim ako sa baso ng wine. "Why Emmanuella Esther De Vera?" "Nakita kita sa isang cotillion isang buwan na ang nakakalipas at totoong nakuha mo ang buong atensyon ko. Marami akong naririnig na isa ka pang dilag at maraming kasosyo ko sa trabaho ang labis na interesado sa iyo. Hindi ka nawala sa isip ko at ayokong basta na lang hayaan ang pagkakataon lalo pa at nakausap ko ang iyong ama." "Anong pinagkaiba mo sa mga katulad mong lalaki gayong panlabas ang basehan mo ng atraksyon?" Ngumisi ito. "Kung ganda ang pag-uusapan, marahil nakakita na ako ng higit sa iba't-ibang bansa ngunit Ms. Emmanuella... mukhang hindi ka pa pamilyar sa karismang mayroon ka." Binaba ko ang hawak na baso ng wine sa ibabaw ng mesa at tiningnan siya nang diretso sa mga mata. Those dark black eyes looked so natural yet deceitful. It wasn't hard to like those, but only people with keen eyes could see how dangerous those were. "I think you're drunk again, Mr. Pierre." "If I am, would you allow me to invade those lips again?" He was still not giving that up. Maybe still couldn't sleep at night thinking of it. "Love is different from lust." "Do you want love better?" "I don't want any of it." Inatras ko ang silya ko at tumayo. "Excuse me. It's time to sleep." Humakbang ako patungo sa hagdan. Hindi pa ako nakakaakyat doon nang maramdaman ko ang marahas na paghapit nito sa baywang ko. Mabilis masyado ang pangyayari na nasa harap na ako nito at nakikita ko na naman ang mga matang iyon. "I don't believe you don't want both." Hindi na ako nakaimik pa dahil mabilis kong naramdaman ang pagsakop ng mga labi nito sa labi ko. I could taste the red wine and feel those smooth lips. Mas lalo nitong diniinan ang halik at mas naging mapusok ang paggalaw ng mga labi na hindi ko namalayang gumaganti ako sa bawat kilos. It was getting deeper... warm and addicting. Naramdaman ko ang pagpalupot pa ng isang braso nito sa baywang ko habang ang mga labi nito ay tila ba nakikiusap na hayaan kong bigyan pa ng puwang. I was about to open my mouth pero narinig ko ang malakas na pagtikhim ni Sarem. Para bang naghiwalay lahat ng kuryenteng dumadaloy sa katawan ko at unti-unting humupa ang mga iyon. Tiningnan ko ang mga mata ng lalaking nasa harap ko na noon ay nagbabaga pa rin. He wanted it so much. "Makikiraan ho sana sapagkat nakaharang kayo sa hagdanan. Daldalhin ko lang sana sa silid ninyo itong mga nalabhang damit, Ms. Esther. Ngunit kung hindi n'yo ho gustong magpadaan ay ayos lang. Isama ninyo na lang ho sa pag-akyat n'yo pagkatapos n'yong magkainan-- este... maglambingan." Nagpakawala ito nang makahulugang ngiti at inabot sa akin ang mga damit. Kinuha ko iyon sa kaniya at umakyat ng hagdan without looking back at him. I was still trying to contemplate kung bakit ganoon na lang ang kabog sa dibdib ko sa bawat paghakbang. "Mr. Pierre, sinagot ka na ho ba ni Ms. Esther?" "Hindi pa," narinig kong mahinang sagot nito. "Ah... e, bakit po pang bagong kasal 'yung," Narinig ko itong humalik sa hangin, "n'yo? Grabe, ang cheap naman pala ng amo ko." I almost rolled my eyes. Binaba ko ang mga damit sa couch nang makarating ako sa silid at humiga na sa ibabaw ng kama ko. Dinala ko ang mga kamay ko sa ibabaw ng tiyan ko at pinikit ang mga mata ko. Sinubukan kong matulog pero para bang may palabas sa isipan ko na paulit-ulit lumilitaw. I was about to leave him alone, but he held my hand tight. Hinila niya ako palapit sa kaniya at bumagsak ako sa ibabaw ng kandungan niya. With force, thirst, and passion, he invade my lips. I wasn't drunk. I was capable of thinking straight, but I kept the fire burning. Naging mapusok ang halik na iyon. Naging malikot ang mga kamay at ang mga labi na kung saan-saan dumapo. Ni hindi ko namalayang nakapasok ang palad niya sa suot kong damit at abot niyon ang kaliwang dibdib ko. Kusang bumukas ang mga labi ko sa pagpisil nito at hindi siya nag-ubos ng oras na dampian ng halik ang leeg pababa s dibdib ko na tila ba puno nang pananabik. Minulat ko ang mga mata ko at nagpakawala ng malalim na hininga. "Eres estupida... you made out with a guy you just met. He's ordinary." Walang espesyal sa kaniya katulad nang lagi kong sinasabi sa sarili ko pero hindi ko alam... kung bakit kailangan ko pa siyang isipin at kung bakit kailangan ko pa itong maramdaman. Nagdilim ang buong paligid na tila ba nawalan na naman ng kuryente ang buong mansion. Mabilis akong bumangon. Binuksan ko ang drawer at kinuha ang mga dagger doon. Sinuksok ko sa loob ng suot kong dress ang isa, ang isa sa likod at ang isa ay isiniksik ko sa thigh chain na nakapalupot sa kaliwang hita ko. Sinuot ko ang tsinelas ko at binilisan ang paghakbang palabas ng silid. "Ms. Esther..." tawag sa akin ni Sarem, "dadalhan ko pa lang ho sana kayo ng kandila sa loob ng silid ninyo." Hindi ko ito pinansin at nagpatuloy ako sa paghakbang. Lalo ko iyong binilisan habang pinapakinggan ang lahat sa paligid ko. Naririnig ko ang mga yabag ng mga kasambahay na siguradong mag-iikot sa paligid para maglagay ng liwanag. Madilim ang daan ngunit maliwanag ang buwan na dumudungaw sa matataas na bintana ng mansion. Unti-unting lumalakas ang kabog sa dibdib ko habang patungo sa silid ni Ama. Nang malapit na ako, kinuha ko mula sa loob ng dress ko ang punyal. Hindi ko nakikita ang buong paligid pero alam kong kung nasaan eksakstong nakatayo ang tao malapit sa pader. Hinagis ko ang punyal sa direksyon nito. Narinig ko ang pagtama niyon sa pader. It was not my aim to kill the person. It was just a warning. Nagpatuloy ako sa paghakbang palapit sa direksyon nito. Kinuha ko rin agad ang leeg niya at dinikdik siya sa pader. Napadaing ito sa sakit habang nagtatangis naman ang mga bagang ko sa galit. "B-bitiwan mo ako..." Sa halip na bitiwan ay lalo kong hinigpitan ang pagkakasakal sa kaniya gamit lang ang isang kamay ko. "Wala akong utos sa iyo, hindi ba?" "Patayin mo na siya, Esther," mariing sambit nito, "masyado ka nang matagal." "Ako ang masusunod, naiintindihan mo?" Narinig kong bumukas ang pinto ng silid ni Ama. Binitiwan ko ito at hinayaan siyang makaalis. "Eva," tawag nito sa paborito niyang kasambahay. Kinuha ko ang punyal na nakabaon sa dingding at muli iyong itinago sa loob ng dress ko sa gawing dibdib. "Eva, lumapit ka rito at tanglawan mo ako ng ilaw." Bumaling ako sa direksyon niya at dahan-dahang humakbang palapit sa kaniya. Tila hindi niya pa rin ako naaaninag hanggang sa tuluyan akong makalapit. "Apo..." tawag niya kahit hindi pa rin ako makita ng mga mata niya pero alam kong kabisado niya ang amoy ko. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko bago dalhin ang mga palad sa pisngi ko. "Ikaw pala, Apo. Bakit nandito ka? Hindi ka na naman ba makatulog?" Hindi ako sumagot. Nakarinig ako ng mga yabag na papalapit sa direksyon namin at unti-unting nagliliwanag ang paligid. "Don Emmanuel," tawag ni Eva, "pasensya na ho kung natagalan ako sa pag-akyat." "Ayos lang, nandito ang apo ko. Maaari mo bang sabihin sa akin kung bakit namatay na naman ang mga ilaw?" "Nagkaproblema lang ho ang sabi ni Mang Dosil dahil marami na naman ang ibon sa labas." Kinuha ko mula sa kaniya ang ilaw at bahagyang pinilig ang ulo ko para senyasan siyang puwede nang umalis. "Sa tingin mo ba ay dapat nang hulihin at patayin ang mga ibon na 'yan, Apo?" "Hindi, Ama. Hayaan natin silang maging malaya." "Kahit sa gabi-gabi'y perwisyo sila sa ating buhay?" "Lahat tayo ay perwisyo sa buhay ng iba." Mahina itong tumawa. "Halika, pumasok ka sa loob ng silid ko. Uminom tayo ng wine." Pumasok ako sa loob katulad ng sabi niya. Nagsalin siya ng wine sa dalawang baso at nilapag ko naman ang lampara sa ibabaw ng drawer na nasa gilid ng higaan ni Ama. Inabot ko ang binigay niya sa aking alak. "Nakapag-usap ba kayo ni Mr. Pierre" Tiningnan ko ang baso bago iyon dalhin sa mga labi ko. "Maghapon kaming magkamasa." Humagikgik ito. "Nagustuhan mo ba siya?" "Masyado siyang mayabang." Muli itong tumawa nang mahina. "Ngunit nakakamangha, hindi ba?" "Ama, ang mga nakakamanghang bagay sa mundo madalas ay hindi totoo." "Hmm... parang mahika?" Sumimsim ito sa baso niya bago nagtungo sa luma niyang turntable. Kumuha siya ng record at dinala roon. Ilang sandali pa, tumugtog ang paborito niyang instrumental music na parati niyang sinasayaw. Lumapit siya sa akin at nilahad ang kamay niya. "Maaari mo bang isayaw si Ama mahal kong apo?" Binaba ko ang dala kong wine sa drawer at hindi nagdalawang isip na ipaubaya ang kamay ko. Maingat niya iyong dinala sa mga balikat niya at marahan ding hinigit ang baywang ko. "Alam mo bang mahilig sa mahika ang Inay mo?" I shook my head. "You rarely talk about her." "Kung nakita mo lang ang mga mata niya habang nanunuod ng magandang palabas, siguradong aapaw din ang puso mo. Marami akong alam na tricks." "Bakit hindi mo pinapakita sa akin?" Mahina itong tumawa. "Dahil masyado kang matalino, Apo, at hindi ka basta-basta naloloko. Ayokong mainip ka habang pinapanuod ako. Siya, bakit hindi ka makatulog, Apo?" Umiling ako. "Hindi ko alam." "Kapag hindi na gumagana ang alak, magtungo ka lang dito sa akin. Baka sakaling makatulog ka sa sayaw ko." "Hindi ko gustong abalahin ka." "Gusto ko nga iyon. Apo, hindi na ako bumabata. Gusto kong bago ako mawala ay maibigay ko sa'yo ang buong pagmamahal ko. Nararamdaman ko na rin ang paghina ng katawan ko kaya nga gusto kong makita kang magpakasal. Gusto kong makilala nang lubos ang mapapangasawa mo at lalong gusto kong makita ang magiging apo ko." Sandali akong hindi nagsalita. Hindi ko maipaliwanag ang kung anong bagay na nakabara sa dibdib ko. "Gusto kong manatili ka pa nang mas matagal." Ngumiti ito. Lalong kumulubot ang balat niya sa gilid ng mga mata. "Gusto ko rin iyon. Gusto ko pang makasama ka at panuorin ka dahil iyon ang napagkait sa akin sa mahabang taon. Masaya akong dumating ka sa buhay ko at tandaan mong ikaw ang paborito ko." Ngumiti ako nang mapakla. "Wala ka namang ibang apo bukod sa akin. I don't think that's a compliment." He laughed softly. "Mabuti ngang walang iba. Mahal kita, Apo. Ibibigay ko sa iyo lahat." Muli akong hindi nakaimik. Tinitigan ko lang ito sa mga mata habang dahan-dahan niya akong isinasayaw. "Alam mo ba kung bakit mahal kita?" I asked. Hindi ito sumagot pero tila ba hinihintay and sasabihin ko. "Because... you're the only one who made me feel loved." Nabuo ang matamis na ngiti sa mga labi nito at marahan akong ikinulong sa mga bisig niya. Naramdaman ko ang unti-unting pag-iinit ng mga mata ko at kung paano manginig ang mga luha roon. But love is sometimes not enough to live...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD