Chapter 5

1980 Words
EMMANUELLA ESTHER DE VERA __ Pinitas ko sa tangkay ang mga magagandang bulaklak sa hardin at nilagay sa dala kong basket. Matagal ko nang tanim doon ang mga iyon. Iba't-ibang bulaklak, iba't-ibang kulay. Nagliliwanag pa lang ang paligid at hindi pa sumisikat ang araw. Mas gusto kong ganoon lang ang kalangitan sa tuwing pipitas ako. Naramdaman ko ang presensya nang kung sinong dumating sa likuran ko. "I'm sorry about last night." Nagpatuloy ako sa ginagawa ko dahil kilala ko na kung sino ang may-ari ng tinig na iyon. "I shouldn't have done that. Maybe I was... I was just really drunk and halluci--" Napatigil ito nang mapadaing ako sa rosas na tumusok sa daliri ko. Binitiwan ko rin iyon agad. Nakita kong dumudugo ang hintuturo ko. Muli kong naramdaman ang paglapit nito at ang pag-upo sa tabi ko. "Patingin..." Marahan niyang kinuha ang kamay ko at sinilip iyon. "Belinda," he called. Agad lumapit sa amin ang tauhan niya na may bitbit ng panglinis ng sugat at gamot. Sandali ko itong tiningnan. She bowed down at me. Dalawa lang ang tauhan niya pero mukhang alerto ang mga ito... and let me say prepared. "Maganda ang mga rosas, but they can be so dangerous." Binaling ko ang tingin ko sa kaniya. Seryosong binabalot nito ng bandage ang daliri ko. "Mag-ingat ka sa susunod. Sayang naman kung magagalusan lang ang magandang kamay na 'to." Bahagya niya iyong pinisil bago iangat sa akin ang mga mata niya. He could talk so well... but not deceiving enough. "Apo?" narinig kong tawag ni Ama. "Anong nangyari?" Inalalayan akong tumayo ng lalaki sa tabi ko. Binawi ko rin ang kamay ko sa kaniya. Mula sa malayo, mukhang nag-aalala ito. Agad niyang tiningnan ang kamay ko nang makalapit ako. "Ilang beses ka na bang natutusok ng mga rosas sa hardin mo ngunit hindi mo pa rin pinapatay?" "Ama, all beautiful things in the world should be difficult to get as they make the hardship worth it." "I agree, Don Emmanuel," narinig ko muli ang tinig nito sa likuran ko. "Kung naging rosas ba ang apo ko, kukuhanin mo pa rin kahit matinik, Mr. Pierre?" He laughed softly. "Hindi ko siya pipitasin. I'll bury myself beside her until I grow with her." Mahina ring tumawa si Ama. "Sa palagay ko ba ay marami ka nang nabihag na babae sa pananalita mo." "Siguro nga, pero ang mahalaga... iisa lang ang gusto ko." Humugot ako nang malalim na hininga. I was so done hearing the same things from different men over and over. Inabot ko sa kasambahay ang dala kong basket. "Irish." Yumuko ito bilang pagtungon sa sinabi ko. "No doubt you love alcoholic drinks. It's too early, but you like your coffee with whiskey," anito sa akin na hindi ko na sinagot pa. Dumiretso ako papasok sa loob ng bahay. "You should try it too. Elena, make an Irish coffee for Mr. Pierre," narinig ko pang utos ni Ama. Nagkita-kita kami sa hapag. Katulad noon, maraming nakahaing pagkain doon. Kumuha ako ng ilan at inilagay sa pinggan ko. Alam kong nasa akin pa rin ang mga mata niya at hindi ako nagdalawang-isip na salabungin ang mga iyon kahit pa sa pagsubo at pagnguya. I just wanted to show him that I was never bothered by his attention. "Apo, samahan mong mamasyal mamaya si Mr. Pierre. Gusto ko sanang sumama kaya lang ay sumasakit na ang mga tuhod ko." "May gusto ka bang makita?" I asked. "Sasama ako kahit saan basta naroon ka." "Marami kayong puwedeng puntahan dito. Kabisado ni Esther lahat dahil hilig niya ang mamasyal sa paligid. Ang kaibahan lang ngayon ay hindi na siya mag-isa." "Lumalabas kang mag-isa?" tanong nito na nakakunot ang noo. "Why do you look surprised?" "You're a heiress... delikado para sa'yo ang lumabas mag-isa." "Sakop pa rin ng lupain namin ang lahat ng matatanaw ng mga mata mo sa paglabas ng bahay." "Do you trust everyone here?" Tumigil ako sa paggalaw ng mga kubyertos sa pinggan ko at diretso pa rin siyang tiningnan sa mga mata. "I don't. I just know how to protect myself." "Siguro ngayon ay naiintindihan mo na kung bakit gusto kong magkaroon na ng nobyo o asawa ang apo ko." "Independent women with a very strong personality are rare to find nowadays. I'm glad to meet one of them." Tama si Ama, sigurado akong marami na siyang nabihag na mga babae. He had the looks. Matangkad, matipuno, makisig. He also had a good speaking voice. He could be so convincing for some, but not for me. Isa pa, I didn't think there was something special about him. He was that usual guy who always talked big. Lumabas kami ng bahay pagkatapos ng almusal. Maraming puwedeng puntahan sa paligid. Our place was isolated. Malayo sa ibang tao at sa ibang bahay. Tahimik lang itong tumitingin sa paligid na para bang interesadong makita ang buong lugar. "Hindi ka ba natatakot maglakad sa ganitong lugar nang mag-isa? Maraming d**o, maraming puno, at walang kahit anong ingay." "You just have to get used to the silence." "Silence makes people mysterious. I wanna know a lot about you." "Why do you want to marry me?" "Why not?" "You barely know me." "That's why I'm here. Can't we fall in love with a person we just met?" Hindi ko iyon nagawang sagutin. Unti-unting naging malayo ang isip ko hanggang sa marinig ko muli ang tinig niya. "Look... sumakay tayo ng balsa." Tiningnan ko ang direksyon na tinutukoy niya. Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa ilog. Hinigit niya ang kamay ko at wala akong nagawa kung hindi sundan ang hakbang niya. Akmang tutuloy pa roon pero hindi ko hinayaang hilahin niya pa ulit ako. Bumaling siya sa akin. "Nasubukan mo na bang sumakay?" Umiling ako at unti-unti namang nabuo ang ngiti sa mga labi nito. "Natatakot ka? Hmm, am I right?" "Bumalik--" Akmang tatalikod ako pero kinuha niya ang braso ko. "Hangga't kasama mo ako, it shouldn't be a feeling or a word." Bumaba ang palad niya sa kamay ko at maingat na sumampa sa balsa. I was really not feeling comfortable about it. Matagal nang walang tubig ang pool sa mansion dahil hindi ko iyon gustong nakikitang may laman. "Stand still." Pinanuod ko siyang tanggalin ang tali ng balsa. Kinuha niya ang pangtulak at tumayo sa tabi ko. "You can hold me if you want." "Don't go too far." Nakita kong gumuhit ang ngisi sa mga labi nito. Sinadya niyang mas bilisan ang pagtulak sa hawak na paddle. Isang tuwid na kawayan lang ang balsa at walang kahit anong upuan at hawakan kaya naman wala akong nagawa kung hindi ang humawak sa balikat niya. "Is this what you call taking advantage of the situation?" Narinig ko ang mahinang pagtawa nito. "I'm just making you try new things and helping you with your fears. Hindi ka ba naiinip sa mansion ninyo?" "I'm always busy." "I think there's a beautiful and quiet spot there." Tiningnan ko ang paligid. Marami pa akong hindi napupuntahan sa mga lupin ni Ama kahit na madalas akong lumabas ng bahay para mamasyal. Hindi totoong kabisado ko ang buong lugar. Hindi ko pa rin nasusubukan ang lumang balsang iyon. Maraming puno sa paligid. Naririnig ko ang kaluskos ng tubig. Marami ring nakausling sanga at mga baging. Pumapaswit din ang mga ibon sa mga puno. It was refreshing there. May mga ilang bagong bulaklak akong nakikita. Hininto nito ang balsa sa gitna pagkatapos ay hinubad and suot niyang sapatos. "What are you doing?" "Swim." Tuluyan siyang tumalon sa tubig. Lumabog siya ngunit umahon din. Hinagod niya ang basang buhok at tumingin sa direksyon ko. "Come on, join me here. Experience the cold water." "Just swim so we can leave." Nakangisi itong lumapit sa balsa. "Sasaluhin kita." "No." "You can't miss this chance." "I'm not interested." "I am." Hinawakan niya ang balsa at sinadya iyong itaob. Nawala sa balanse ang mga paa ko at kahit gaano ko sinubukang manatili roon... bumagsak pa rin ako sa kaniya. Nasalo niya ako pero lumubog na ang katawan ko sa tubig at nabasa na rin ako. He was right. Napaka-lamig ng tubig. I wanted to slap him for doing that, but I was too stiff, afraid that he would take his hands off me. "Can't men really take no as an answer?" "Women sometimes don't mean it." "Ibahin mo ako," malamig na tugon ko rito. "Alam kong iba ka... alam mo bang maganda ka pa rin kahit nagagalit?" "Thanks for letting me know," sarkastikong sagot ko. "Tingin ko may mas magandang puwesto roon. Bigyan mo ako ng ilang minuto." Nagsimula siyang gumalaw. Lalo namang humigpit ang hawak ko sa balikat niya. Hindi ako sigurado sa pupuntahan niya pero pumasok kami sa loob ng mga nakabagsak na baging. Parehas kaming natigilan nang makita namin ang loob. Mas maraming bulaklak sa paligid at mas malinaw ang tubig. Nakuha rin agad ng atensyon ko ang mga paruparo at tutubing lumilipad sa itaas. "I knew it... there's a hidden paradise here." Sinundan ko ang paruparong lumipad sa harapan ko at dumapo sa dulo ng ilong nito. Parehas kaming hindi gumalaw para pagmasdan iyon. It looked so pure... so white. Lumipad din iyon agad pero hindi ko nasundan nang tingin dahil napunta ang buong atensyon ko sa mga mata nito. Humigpit and hawak nito sa baywang ko. "I think all creatures are fond of me. I can teach you how to swim." Muli kong tiningnan ang lugar. It was really like a paradise and I loved the silence. Hindi nakabibingi. Bumaling ako agad sa kaniya at mahigpit na kumapit sa sleeves niya nang akmang bibitiwan ako. "I will guide you." Kinuha niya ang kamay kong nakakapit sa kaniya at dahan-dahan iyong tinanggal doon. Naging malakas ang kabog ng dibdib ko habang unti-unti niya akong inilalayo sa kaniya. Ganoon pa man, hinawakan niya nang mahigpit ang magkabilang kamay ko. "Just feel the water and relax. Panic, and you'll drown." I didn't have to panic dahil hawak niya pa rin ang mga kamay ko. I tried to loosen up a bit until I was finally able to slowly enjoy the cold water. Nilubog ko ang ulo ko sa ilalim pero umahon din ako kaagad. I just wanted to try it. He smiled at me. "You did great. I'm no longer feeling the fear." It felt good. I must admit it. Muli niya akong hinila palapit sa kaniya. He held my waist with his arm and looked down at me. "I told you... I would hold you. Let's keep moving." He moved to different spots. We were so close to each other that I was slowly feeling the water getting warm. Mas lalong umiinit ang balat kong nakadikit sa kaniya. I needed to gulp down my throat sa tuwing dadampi ang mainit na hininga nito sa balat ko. Pakiramdam ko masusunog na ako and I needed to leave there. Bumalik kami sa balsa. Tinanggal ko ang suot kong boots bago ako humiga roon. Pinagmasdan ko ang mga ulap sa ilang sandali bago ipikit ang mga mata ko. Matagal din bago mas naging itim ang paligid na para bang natatabingan ang araw. "I--" "Shh..." I cut him off. Hindi na ito uminik pa pero ramdam ko pa rin ang presensya niya sa tabi ko. Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko and caught him staring at me. Tama ako, siya ang nakatabing sa liwanag ng araw. "Ilang babae na ba ang tiningnan mo nang ganiyan?" "Hindi pa ako nakakakita ng babaeng hindi interesado sa akin bukod sa'yo. I know you're different." "You like the challenge?" He slowly shook his head. "I like you." Hindi ako nakasagot agad, but I remained looking at him. "You can't easily deceive me, Mr. Pierre." Sandali kaming kinain ng katahimikan bago umangat ang kamay nito para marahang idampi sa pisngi ko, and caressed it gently. "Then make it hard for me."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD