Chapter 4

2398 Words
TORN DANGER ROSS __ "What are you thinking?" Narinig ko ang tinig ni Viv sa tabi ko habang umaandar pa rin ang sasakyan. Tumingin ako sa rear-view-mirror at nakita ko ang mga mata ni Veer doon na siya ring nakatingin sa akin habang nagmamaneho. I continued to play with my finger habang nakadekwatro pa rin sa likod ng sasakyan. "Emmanuella Esther?" Tumingi sa labas ng bintana. Ang sabi ni Viv, sinundo siya ng tauhan nila noong nakaraang gabi. "Hindi ko alam na nalalasing ka rin pala, Mr. Ross or-- let me say Mr. Pierre." Nagtangis agad ang mga bagang ko. I didn't want to think of that. Dumiretso ang sasakyan papasok sa isang malaking gate kung saan may nakaukit na 'Hacienda D' Vera.' Dumaan kami sa maraming puno bago matumbok ang isang malaking mansion sa loob. It also looked classic. Para din iyong palasyo. As expected, may sumalubong sa aming mga tauhan para umalalay at bumati. Iginiya nila ako papunta sa direksyon ni Don Emmanuel. Nakita ko ito sa fish pond, nakupo sa malawak na kubo roon. Dumaan ako sa tulay na nasa gitna ng fish pond para lapitan ito. Binaba niya ang hawak na diyaryo at ang dalang baso ng tsaa bago bumaling sa akin. Bahagya naman akong yumuko. "Magandang araw, Don Emmanuel." Binaba nina Viv at Veer ang dala naming regalo para rito. "Nagdala ako ng wine at ng mga espesyal na pagkain namin sa Romania." Ngumiti ito at inabot ang bote. "Is this real? This is expensive. I've been looking for this one." "I don't give fake things, Don Emmanuel. That's all for you and Esther." Sumenyas ito sa mga tauhan niya na mabilis lumapit sa kaniya at yumuko. "Tawagin ninyo na si Esther. Sabihin ninyong nandito na ang bisita niya." "Kanina pa ho namin siya tinatawag, Don Emmanuel, at sinabi niyang huwag na siyang tatawagin ulit dahil susunod siya." "Ganoon ba? Then... I hope you don't mind waiting, Mr. Pierre. Mukhang abala pa ang apo ko." "Puwede ko bang malaman kung anong pinagkakaabalahan niya?" "Hmm, marahil pinapatakbo na naman ang paborito niyang kabayo." "Puwede ko ba siyang puntahan?" "Sasamahan ka ng mga tauhan ko." Yumuko rin sa akin ang ilang tauhan niya bago ko sinundan ang mga ito. Sinama ko sina Viv at Veer para makakuha sila ng ilang impormasyon sa hacienda. Habang maaga, gusto kong pag-aralan ang mga lupaing mapupunta sa akin. Huminto ako nang matanawan ko na ito sa malawak na field sakay ang isang puting kabayo. Sinundan ko ng tingin ang bawat direksyon na pinupuntahan ng kabayo. Hindi ko natanggal ang tingin sa babaeng nakasakay roon na tila ba alam na alam kung anong ginagawa niya. Narinig kong nagpaalam na umalis ang mga tauhan. She had the authority and she was spoiled. Ibinibigay ni Don Emmanuel lahat ng gusto niya at mas ito ang sumusunod sa kaniya. If that was the case, siya talaga ang dapat kong kuhanin, and Don Emmanuel would never be an issue. Simple ko itong hinagod nang tingin. Hapit na hapit sa katawan niya ang suot niyang itim na pants at long sleeves kaya naman kitang-kita rin ang hubog ng katawan niya. She was also wearing long leather boots at nakatali sa isang bigkis ang may kahabaan niyang buhok. Tila nakita niya na ako sa direksyon ko. Naramdaman ko na naman ang pamilyar na kislot sa dibdib ko. There was really something with her presence. It wasn't ordinary. Bumagal ang takbo ng kabayo papunta sa direksyon ko. Lalo kong naaninag ang maaliwalas at magandang mukha nito na nasisinagan pa ng palubog na araw. Muling nagtugon ang mga mata naming dalawa at hindi ko mapigilang maalala na naman ang nangyari noong nakaraang gabi. Huminto ang kabayo. Lumapit ako sa direksyon niya at kinuha ang baywang niya para alalayan siyang bumaba kahit alam kong kayang-kaya niya iyong gawin. Nanuot agad ang mabangong amoy nito sa ilong ko. Hindi ko agad nabitiwan ang maliit na baywang niya and still managed to stare. Hindi rin naman ito lumayo agad dahil pinagmasdan din nito ang mga mata ko sa ilang sandali bago magtungo sa harap ng kabayo niya para haplusin ang ulo nito. "Anong pangalan niya?" "Leona," she answered without looking at me. Lumapit din ako sa harap nito at sinubukang hawakan iyon. I guess she was friendly. She liked my touch. Kumuha siya ng d**o at dinala iyon sa bibig ni Leona na siya naman nitong nginuya. Kumuha rin ako nang kaunti para ipakain rito. Tinapik ko ang likuran niya. "Good girl..." Matagal din kaming kinain ng katahimikan hanggang sa unti-unti nang dumidilim ang paligid. "I didn't know magaling kang magpatakbo ng kabayo." "Of course you shouldn't know," mahinang sagot nito habang patuloy pa rin sa paghaplos Kay Leona. "Ilang araw pa lang tayong magkakilala, Mr. Pierre." I was a bit taken aback. I shouldn't have made a stupid statement. Sa tingin ko ay hindi siya basta-basta. She was smart enough to catch my lies. "I'm sorry that you had to go home alone the other night." "Belinda and Rafael offered to send me home. Sinundo ako ng chauffeur. Not a big deal." Hindi ako sumagot agad. Pinag-iisipan kong banggitin ang tungkol sa nangyari. "May... nangyari ba sa ating dalawa?" Nakita kong napatigil ito pero hindi ko nakitaan ng kahit anong bakas ng emosyon ang mukha niya. "I think... I was too drunk. Hindi ko na maalala ang lahat," I added. Pinakain niya ang huling hawak na d**o kay Leona bago ibaling sa akin ang mga mata niya. Naramdaman ko agad ang malaking bara sa lalamunan ko na hindi ko sigurado sa kung anong dahilan. "If you can't remember it, then it didn't happen." She turned her back from me and started walking away. Hindi ko agad naihakbang ang mga paa at sinundan lang siya nang tingin. Damn... she was making me feel more curious about her. The way she delivered her words... so different... so mysterious. Nakita ko rin ito sa pond kung nasaan si Don Emmanuel. Nakahanda na ang mga pagkain doon at tila ba ako na lang ang hinihintay. Muli ko itong sinulyapan. Kasalukuyan niyang inaayos ang napkin na ilalagay sa ibabaw ng mga hita niya. "Naging magkaibigan ba kayo ni Leona, Mr. Pierre?" tanong sa akin ni Don Emmanuel. "I think she liked me." Mahina itong tumawa. "That's great. Hindi lahat ng manliligaw ng apo ko ay gusto ni Leona. Masuwerte ka." Kinuha ko ang napkin sa gilid ng pinggan at marahan iyong nilatag sa kandungan ko. Inabot ko ang mga kubyertos at ginalaw ang mga iyon sa pinggan ko habang nakatingin pa rin kay Esther. "Kumusta ang iyong pag-ikot sa hacienda, apo? Nag-enjoy ka ba?" "I missed Leona, Ama." Bumungisngis ang matanda at inabot ang pisngi niya. "Para ka talagang inay mo." Naramdaman ko ang pangungulila sa tinig nito. Hindi na ako nagtanong pa dahil alam naman ng lahat na si Esther na lang ang nag-iisa niyang pamilya. Marahil nakikita niya talaga ang nag-iisa niyang anak na babae rito kaya naman ganoon niya na lang ibigay lahat sa kaniya. That was an advantage for me kung makukuha ko agad ang loob ni Esther. The old man talked about his hacienda and was expecting to see mine too. Marami akong hacienda na kayang ipakita sa kaniya at hindi siya mabibigo. Hindi ko naman maiwasang sundan ang bawat paggalaw ng mga labi ni Esther sa pagnguya pati na rin ang panga nito sa paggalaw. What the heck was wrong with me? Inangat ko ang tingin ko sa mga mata niya ang I was again caught off guard that she was looking at me while chewing her food. Inabot ko ang isang baso ng tubig at tumingin sa ibang direksyon para inumin iyon. I had to remind myself that I was there to know more about them, not to stare and think how I could possibly feel those lips again. "Tikman mo itong dinalang wine ni Mr. Pierre. I'm sure you'll like this." Lumapit ang kasambahay para buksan ang wine. Nagsalin ito sa baso naming tatlo. Pinanuod kong tikman niya iyon hanggang sa marahan siyang tumango. Tiningnan niya ang baso niya at marahang inalog ang wine doon. "This is a well-known wine in the '90s that only the wealthy can afford. You can only see bottles of this wine now because the company was forced to close their store after the stealing incident where all of their expensive wines were stolen." Yeah, I was speechless when she said that. I was just surprised na alam niya ang mga bagay na tungkol doon. "It tastes good, Apo. Do you think this is fake?" She shook her head. "It's original." And I was more surprised... mukhang lalo kong hindi dapat isipin na basta-basta siya. Binaling niya ang tingin sa akin. "But I'm not surprised that Mr. Pierre has it." Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng kabog sa dibdib ko. Hindi ko iyon naramdaman kahit kailan noon, kahit pa malapit na sa hukay ang buhay ko. It was my grandparents who stole those wines in the 90s in Spain. We were still hiding some of it. Thirty bottles are worth almost a hundred million pesos. Ganoon pa man, wala akong kailangang ikatakot. There was no evidence. "Hmm-mm, I think his family was very influential in the 90s," Don Emmanuel said. "This is controversial. I can tease the public about this, but I would only love to display the bottle. My granddaughter and I only prefer a peaceful life, Mr. Pierre." Ngumisi ako. "You don't have to worry, Don Emmanuel. Those are not the stolen wines. That's actually the last one. Itinabi pa ng mga magulang ko at inangatan kong mabuti." "Huwag kang mag-alala, kung may magbebenta man sa akin ng wine na ito, I would love to buy it too, triple the price. Gusto kong ipangregalo sa mahal kong apo. She loves all kinds of wines and liquors... anything intoxicating." "Really?" Muling mahinang tumawa si Don Emmanuel. "Sa tingin ko ay walang uubra sa kaniya pagdating sa inuman. She will always win." Hindi ko tinanggal ang mga mata ko rito. "No wonder... she defeated me." Lalo pa itong napatawa. "Sabi ko na sa iyo. Anyway, puwede ko bang malaman ang plano mo? Kung liligawan mo at pipiliin kang pakasalan ng apo ko, masisiguro ko bang ligtas siya sa iyo?" "She's like fine wine, Don Emmanuel..." I didn't have to activate my acting skills because it came out naturally. "A very... very expensive wine. I'll keep her in the safest place and make sure nothing and no one can break her." I loved that she was staring at me with empty eyes. Bago iyon sa akin because I was so used to seeing different women looking at me with so much amusement. Marami akong nakilalang mga babae na mabilis naniniwala sa lahat ng salitang lumalabas sa bibig ko. But her... I felt like she was never convinced, and I loved it. I loved the challenge. "Tatlong buwan simula ngayon, gusto kong maganap ang kasal ngunit... hindi pa ako nakakasiguro kung ikaw ang pipiliin ng apo ko. Ika-sisenta ko ng kaarawan iyon at gusto kong makitang nasa tahimik na ang buhay ni Esther. Gusto ko ring makita ang magiging apo ko pa sa kaniya." Binaba ni Esther and mga dalang kubyertos. "Excuse me, Ama. It's getting late. I'm a bit tired." "Hmm, sa tingin ko ay maaga pa, pero alam kong napagod ka sa pamamasyal. Ayos lang, Apo. Hanggang bukas pa rito si Mr. Pierre. Pinaayos ko na ang higaan niya." She looked at me and excused herself. Lumapit siya kay Don Emmanuel para halikan ito at humakbang na rin palayo. "Alam mo ba kung bakit ikaw ang gusto ko para sa apo ko?" Napatingin ako kay Don Emmanuel. "Gusto kong malaman." Ngumiti ito. "Matalino si Esther. Marami akong nakilalang manliligaw niya pero sa tingin ko lahat sila ay hindi kayang sumabay. Ikaw, sa tingin ko ay matalino ka. Magiging maganda magkapareha kayong dalawa." I was glad na hindi ko na kailangan pang kuhanin ang loob niya. I only needed Esther to want me and marry me. "Siya, magpapahinga na rin ako. Magkita tayo bukas." "Magandang gabi, Don Emmanuel." Tiningnan ko ito papalayo bago ko tingnan ang direksyon nina Viv at Veer. Alam na nila ang gagawin sa buong magdamag-- look for something with high prices and make plans to stole them. Inubos ko ang wine sa baso habang nagngangalit ang mga bagang. "If you can't remember it, then it didn't happen," ulit ko sa sinabi niya kanina. I knew it happened. I just hated the fact that she denied it. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at nilapitan ang isang kasambahay. "Dalhin mo ako sa silid ni Esther." Yumuko ito. "Sumunod ho kayo sa akin, Mr. Pierre." Pumasok kami sa loob ng bahay. Umakyat sa hagdan at huminto sa harap ng isang pinto. Iniwan niya rin ako roon. Inangat ko ang kamay ko po kumatok doon. Ilang sandali bago ito nagbukas ng pinto. "Are you trying to forget that night?" malamig na tanong ko. "Have you slept thinking of it?" "Almost not." "There is no crime when there is no evidence, Mr. Pierre." "Thieur. I want you to call me that way again." "When you are no longer on my property, I might obey." "I can remember some in my head." "You can't use that as evidence." Muling gumalaw ang bagang ko. Hindi ko napigilang kuhanin ang pisngi niya at siilin siya nang mariing halik. Naging malakas ang kabog ng dibdib ko habang nararamdaman ang malalambot na mga labing iyon. Hindi ko naramdaman ang paggalaw ng mga labi niya ngunit hindi ko rin naramdaman ang pagtulak niya. "I don't care about the evidence. I care about what I can remember. Now... you can no longer deny this." Hindi ito sumagot. Walang akong narinig na kahit ano sa ilang sandali pa pero hindi ko inaasahang lalapat ang palad niya sa pisngi ko. Malakas iyon na napabiling ang mukha ko. Bumaling ako sa kaniya na mahigpit ang mga bagang. "A kiss can be so dangerous at times, Mr. Pierre. Include that in the list you want to remember, and I hope... you won't forget how powerful my hand can be." Sandali pa ako nitong tiningnan bago tumalikod sa akin at pinagsaraduhan ako ng pinto. Unti-unting kumuyom ang mga palad ko. You have plans, Danger. Why did you choose a kiss over a goal? "Mierda..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD