EMMANUELLA ESTHER DE VERA __ "Do I look good, Mommy?" nakangiting tanong nito sa akin. Inayos ko pa ang ilang hibla ng buhok niya na katatapos ko lang i-braid. "You're the best Elsa I've ever seen." Lalong lumapad ang ngiti sa mga labi nito. "And you're the prettiest Rapunzel, Mommy." Inabot nito ang buhok kong nakalugay at marahan iyong hinaplos. Nakarinig kami ng katok sa pinto. Pumasok si Sarem sa loob ng silid. "Mga amo ko, nasa baba na ho ang mga bisita." "Wow, I like your costume, Yaya Sarem. Who are you trying to copy?" "Hindi mo ba napapansin sa kasuotan ko? Si Sleeping Beauty 'to, Uri." "Hmm..." Sandali pa siyang pinagmasdan ng anak ko. "Yeah... you look like Sleeping Beauty, who's having a nightmare." Agad nalukot ang mukha ni Sarem. "Kailan ka kaya babait, Elsa?" Tu