TORN DANGER ROSS __ Pinanuod ko itong humakbang palayo mula sa salaming pintuan. Lalong nagtangis ang bagang ko. I couldn't believe she implemented a rule just because she wanted to. What a brat... Hinintay kong tuluyan itong mawala sa paningin ko bago ako kumuha ng pin mula sa bulsa ko. Sinimulan kong ipasok iyon sa butas ng susian. Sa tagal ko nang magnanakaw, kayang-kaya kong buksan ang mga pintuan nang wala pang isang minuto ngunit sa pagkakataong iyon, halos abutin ako ng kalahating oras ngunit hindi ko pa rin nabubuksan ang pinto. Marahas kong hinagis sa damuhan ang maliit na pin. I almost forgot... magnanakaw rin ang nakatira doon. Nagpakawala ako ng malalim na hininga. Maraming pinto para makapasok ng bahay. Umikot ako sa mansion ngunit lahat ng iyon ay nakasara. Muling n