TORN DANGER ROSS __ Hinablot ko kay Viv ang bracelet na pinaglalaruan niya. Bumaling ito sa akin at ngumisi. "Isasauli mo 'yan sa bata? Then what? You will tell them na napulot mo and you will expect na maniniwala ang babaeng iyon na walang kahit katiting na pagdududa sa'yo?" Nagtangis din ang bagang ko. "You didn't have to go there, Viv." "Tinutulungan lang kitang hanapin ang volt. Ang tagal mo na kasi sa mansion pero wala ka pa ring impormasyon na naibibigay sa amin." "Alam ko kung nasaan." She chuckled. "Then why didn't you let us?" "I know what I'm doing. Ako ang magdedesisyon, naiintindihan mo?" "Gosh, Danger... alam mo kung anong nakikita ko? You are so in love with that woman and now you're getting yourself f****d up by getting too close to that kid. Kaya mo ba talagang gaw