SOFIA Napakagat-labi ako nang makita ko ang resulta ng pregnancy test na ginawa ko. Malinaw na nakikita ko ang dalawang pulang guhit sa puting strip na hawak ko, katunayan na tama nga ang hinala ko na nabuntis ako ni Chase. Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakatitig sa bagay na hawak ko dahil natulala ako sa nakita ko. Ibig sabihin ay magiging mommy na nga ako at hindi ito gawa-gawa lang gaya ng sinabi ko sa mga magulang ko. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago lumabas ng banyo at umupo sa sofa dito sa loob ng silid ko. Hindi ko pa rin binibitiwan ang pregnancy strip na hawak ko habang nag-iisip kung anong magiging buhay ng anak ko. I'm capable of giving my child a good life even in her entire lifetime. Kahit hindi na ako magtrabaho, ay kayang-kaya itong i

