SOFIA Malaking balita sa telebisyon at sa mga online platform ang tungkol sa naganap na ambushed daw sa bar na pag-aari ng kapatid ni Roxy ang bumungad sa akin paggising ko. Hindi nagawang pagtakpan ng Triyani Drug Syndicate ang tungkol dito dahil naunahan sila ng mga blogger na nakakita sa nagkalat na mga bangkay at katawan ng tauhan nila sa mismong entrance ng bar. Hindi rin nagawang itanggi ng nagpakilalang may-ari ng bar na manager nga ng nasabing establishment ang isa sa mga napatay, kaya sangkot sila sa imbestigasyon ngayon ng pulisya. Nanonood ako ng balita ng tumunog ang cellphone ko. Nakita kong tumatawag si Draven pero hindi ko sinagot ang tawag niya. Tinatawagan ko siya kagabi pero kahit minsan ay hindi niya sinagot ang tawag ko tapos ngayon, tatawag siya sa akin kung kail