SOFIA “Kumain ka na ba?” tanong ko kay Chase dahil nakaupo lang siya sa tabi ko. Ngumiti siya sa akin at umiling. “Not yet, honey.” “Gusto mo bang mag-order ako ng pagkain mo?” muli ay tanong ko sa kaniya. “No need, I will eat those foods in the kitchen,” mabilis na sagot ng asawa ko. Maselan siya sa pagkain, kaya nauunawaan ko kung bakit ayaw niyang kumain dito sa restaurant dahil mas prefer niya ang magluto. Sayang nga naman ang mga pagkaing in-order niya kanina kung walang kakain, kaya hindi ko na lang pinilit si Chase na sumabay akin. “Ang sarap naman nito,” napapikit na sabi ko dahil nagustuhan ko talaga ang lasa ng adobo at ang masarap na taba sa tiyan ng bangus na kinakain ko. “Really?” nakangiting tanong sa akin ni Chase. Tumango ako dahil may lamang pagkain ang bibig

