SOFIA Nakapagluto na ng almusal si Ate Em nang bumaba kami ni Chase. Kung dati ay yogurt o kaya naman ay fruit shake ang breakfast ko, nagpaluto ako sa kanya ng tocino, dilis, at sinangag para sa almusal. Heavy ang breakfast ko, pati na rin si Chase na kumain rin ng sinangag dahil pinilit ko siya. Ayaw sana niyang kumain ng kanin dahil mas gusto ng asawa ko ang kape at toasted bread with eggs sa umaga, pero wala siyang nagawa nang pandilatan ko siya ng mga mata. “Busog na ako, honey,” sabi ni Chase nang lagyan ko pa ng ulam ang pinggan niya. “Ang kaunti mo namang kumain.” Wala siyang nagawa kundi ang kainin ang nilagay kong pagkain sa kaniyang harapan. Ewan, gustong-gusto ko kasing nakikita na magana siyang kumain, kaya marami akong ibigay na pagkain sa kaniya. Alam kong maselan s

