SOFIA Mas lalong sumama ang pakiramdam ko, matapos ang paulit-ulit na pagsusuka ko sa banyo. Nakaramdam rin ako ng biglang panghihina at pagkahilo, kaya sinabi ko kay Chase na iwan muna niya ako dito sa loob. Ayaw ko kasi siyang naamoy sa paligid ko dahil bukod sa nagtutubig ang bagang ko ay mapait na rin ang panlasa ko. Sa tingin ko nga ay naubos na ang pagkaing laman ng sikmura ko dahil hindi ko na nabilang kung ilang ulit akong nagsusuka. Naghilamos ako gamit ang malamig na tubig para kahit paano ay guminhawa ang pakiramdam ko. Nagmumog na rin ako at nagsipilyo, pero muli na namang nag-tubig ang bibig ko, kaya nagsusuka na naman ako. Pinagmamasdan ko ang sarili ko sa salamin. Namumutla pala ako, kaya kailangan kong bumili ng gàmot. Speaking of gàmot, natigilan ako sa naisip ko dah

