SOFIA Naubos ang oras ko sa panonood ng mga CCTV footage sa loob ng bahay ni Chase, pero kahit tapos na siyang maligo ay wala naman akong nakitang kakaibang nangyari doon, maliban sa paglapit ng babaeng iyon sa kaniya bago umalis ang asawa ko sa sala. Nagkunwaring nadulas si Roxy, kaya niyakap niya si Chase habang nakatalikod ito sa kaniya. Nagkaroon ng marka ng lipstick sa damit na suot ng asawa ko, at dumikit rin ang pabangong in-spray ng babaeng iyon sa kaniya, bagay na alam kong hindi aksidente ang nangyari dahil sinadya talaga niya iyon. That bītch, talagang inubos niya ang pasensya ko. Obviously, sinadya niya ang nangyari para pagselosan ko si Chase kapag naamoy ko ang pabangong in-spray niya sa damit ng asawa ko, pati na rin ang marka ng lipstick sa damit niya. Makikita talag

