CHASE Hindi ko na nagawang mag-paalam kay Sofie at nagmamadaling lumabas sa opisina ko kanina matapos kong makatanggap ng tawag mula sa kasambahay ko at sinabing natagpuan raw nilang duguan sa labas ng gate ng bahay ko ang walang malay na katawan ni Ella. Nagmamadali akong sumakay ng elevator habang tinatawagan si Doctor Abas. Halos paliparin ko na nga ang sasakyan ko kanina, makarating lang sa bahay dahil talagang nag-aalala ako para sa kalagayan ng pamangkin ko. Nang makarating ako sa bahay ay sinabi sa akin ng katulong na sumalubong sa akin na dinala na raw ni Inday sa ospital si Ella dahil iyon ang sabi ni Doctor Abas. Hindi ko alam kung paano ko nagawang tumakbo mula sa loob ng silid ko, papunta sa driveway sa loob lamang ng ilang segundo dahil talagang nag-aalala ako para sa kala