CHASE Pakiramdam ko ay napakatagal ng bawat minuto at oras na lumipas. Dito na ako nanatili sa hospital room ni Alvin, habang hinihintay ang resulta ng imbestigasyon ni Detective Robinson. Narito na rin siya sa ospital para mag-imbestiga tungkol sa identity ni Sofie. Sinabi ko na sa kaniya kung ano ang pangalan na gamit ngayon ng asawa ko, dahil gusto kong makasiguro na legal nga ang naging kasal naming dalawa. “Kumalma ka nga, Chase. Nahihilo na ako ng dahil sa iyo,” sabi ni Chona dahil kanina pa niya ako nakikitang pabalik-balik ng lakad habang hawak ang cellphone ko. Gustong-gusto ko kasing tawagan si Sofie sa number niya pero nagpipigil ako dahil ang sabi sa akin ni Alvin ay baka biglang i-off niya ang gamit na cellphone. Mas lalo kaming mahihirapan na hanapin siya kapag ginawa n

