CHASE Ang isang oras na usapan ni Alvin at nang pulis na kausap niya ay hindi nangyari. Past four o'clock na pero hindi pa rin ito tumatawag sa kaniya. “Bakit ang tagal?” hindi mapakali na tanong ko kay Alvin. “Relax ka lang, Chase. Baka naka-off na ang number ng asawa mo, kaya nahihirapan ang kontak natin na ma-trace ang lokasyon ngayon ng asawa mo,” paliwanag ni Alvin. “Iyan lang ba ang option natin? Hindi ba natin puwedeng tingnan ang call history ng number na gamit ni Sofie?” “Puwede naman, pero mahigpit ang policy ng mga telecom company. Siguradong mahihirapan at matatagalan rin kung sa kanila tayo lalapit agad,” mabilis na paliwanag ng kaibigan ko. Habang kausap ko siya ay nag-ring ang cellphone ko. Nakita ko ang pangalan ni Detective Robinson sa screen, kaya sinagot ko agad

