CHASE Mula sa opisina ni Doctor Alcaraz ay walang direksyon na naglalakad ako, hanggang sa nakita ko ang doktor na kaibigan ni Sofie. Kahit malayo ang distansya namin ay nakilala ko agad siya dahil nakaharap ko na siya noong isang gabi ng isama siya ni Sofie sa silid ni Alvin at naging saksi pa sa kasal namin ng asawa ko. Kahit hindi ko alam ang pangalan niya ay humakbang agad ako papunta sa direksyon niya. May kausap siyang nurse sa hallway. Hindi agad niya ako napansin pero walang pagdadalawang-isip na lumapit ako sa kaniya para magtanong kung may alam siya kung nasaan si Sofie. “Hi,” bati ko sa doktor na kaibigan ni Sofie. Ngumiti rin siya sa akin at binati agad ako. “Oh, hello.” Kahit may kausap siyang nurse ay mabilis na nagtanong agad ako sa kaniya kung nakita ba niya ang asa

