SOFIA Malinaw na nakikita ko kung paano nagbago ang ekspresyon ng asawa ko matapos niyang marinig ang sinabi ng kinakapatid ko. Tumigas ang aura ni Chase at tiim-bagang na pinakinggan ang paliwanag ni Aidan. Napatingin tuloy ako sa magkasalikop na mga kamay naming dalawa ni Chase. Halos mabali ang mga daliri ko sa diin kung paano ito hawak ngayon ng asawa ko, pero para bang hindi niya ito napapansin ngayon. “Thank you for coming, Mr. Kazimir,” pormal na sabi ni Chase kay Aidan. “Hindi puwede ang basta thank you lang, Mondragon. Nalagay ang buhay ni Sofie sa alanganin. Dapat may managot sa nangyari sa kaniya,” seryosong sagot ng kinakapatid ko, pero hindi rin nagpatalo si Chase. “Alam kong concern ka sa asawa ko, but you don't have to worry about her. I can protect my wife.” “Really

