SOFIA Nang makaalis ang grupo ni Aidan, kasama ang mga tauhan ni Chase, lumapit ako kay Secretary Skye. Wala pa rin itong malay, kaya inutusan ko si Chase na itaas ang mga binti ni Secretary Skye habang sinusuri ko ang kondisyon niya. Hindi naman nagtagal ay nagkamalay na ito at dahan-dahang nagmulat ng mga mata. Bakas ang takot sa mga mata ni Secretary Skye nang makita ako. Nawalan ng kulay ang mukha niya na para bang tinakasan ng dugo, kaya namumutla. “Kapag nawalan ka pa ng malay, itatapon kita sa bintana,” banta ko sa kaniya. “Are you okay, Skye?” tanong naman ni Chase. “Buhay pa ba ako, boss?” exaggerated na tanong ni Skye kay Chase. “Oo, tumayo ka na diyan at may trabaho pa tayo,” utos ng asawa ko. Nanghihina na bumangon si Secretary Skye. Napabuntong-hininga pa siya habang

