Chapter 145

2126 Words

SOFIA Nakatulog ako na ang laman ng isipan ko ay ang napanood kong balita sa telebisyon tungkol sa kasal naming dalawa ni Leo. Umaga na nang magising ako at mataas na rin ang sikat ng araw, pero masarap mahiga at magbabad sa ibabaw ng kama dahil malamig ang simoy ng sariwang hangin na pumapasok sa bukas na bintana ng silid na tinutuluyan ko. Past nine o'clock na pala, pero tinatamad pa akong bumangon, kaya nanatili akong nakahiga sa kama habang balot ng makapal na kumot. Nagustuhan ko ang malamig na klima dito sa probinsya. Tahimik rin at malayo sa gulo sa Maynila, kaya kahit araw-araw akong narito ay hindi ako nababagot. Inabot ko ang cellphone ko at tiningnan kung may text message akong natanggap mula kay Ruru. Hanggang ngayon kasi ay hindi mahanap ng mga tauhan ko si Rolando Homes,

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD