SOFIA Unfamiliar na lugar ang bumungad sa mga mata ko nang magising ako at nang igala ko ang paningin ko. Kunot-noo na naghanap ako ng orasan dahil hindi ko alam kung anong oras na ngayon at kung gaano katagal akong nakatulog. Ang huli kong naalala ay nakaramdam ako ng pagkahilo, kaya patakbong pumunta ako sa banyo at nagsusuka, at pagkatapos ay nakita ko si Chase. Kahit nanghihina ang pakiramdam ko, bigla akong napabalikwas ng bangon ng maalala ko ang nangyari bago ako nawalan ng malay. Mabilis kong iginala ang paningin ko sa buong silid na kinaroroonan ko para tingnan kung nasaan ako at sino ang kasama ko. Wala namang kakaiba dito. Hindi rin ako nakatali, kaya kahit paano ay nakahinga ako ng maluwag dahil mukhang wala namang ginawang hindi maganda sa akin si Chase habang wala akong

