SOFIA Hindi pumayag si Chase na hindi siya sasama sa akin papuntang China. Hindi raw ako aalis kung hindi siya kasama, kaya wala tuloy akong nagawa kundi ang hayaan siyang samahan ako. “Are you sure na okay lang sa iyo ang ilang oras na biyahe?” tanong ni Chase habang papasok kami sa loob ng private jet na pag-aari ng pamilya ko. “Of course,” tipid ang ngiti na sagot ko dahil kanina pa siya paulit-ulit na nagtatanong sa akin. “I'm just worried, honey. Dapat kasi nagpapahinga ka muna ngayon sa bahay—” “Chase, I'm healthy. Wala rin akong kapansanan, kaya walang dahilan para magkulong ako sa apat na sulok ng bahay ko,” agad na sagot ko. Nakukulili na kasi ako sa paulit-ulit na pangungulit ni Chase, kaya pinutol ko agad ang sasabihin niya at mabilis na naupo sa couch. “Fine, it's okay

