SOFIA Nagising ako dahil sa malakas na katok mula sa pintuan. Wala na sa tabi ko si Chase at mukhang naliligo dahil naririnig ko ang malakas na lagaslas ng tubig sa loob ng banyo. Inabot ko ang nakasabit na roba at mabilis na binalot sa hubàd na katawan ko. Nakatulog kasi ako matapos ang mainit na tagpo sa pagitan naming dalawa ng asawa ko dahil hindi siya nakuntento sa loob ng banyo at umisang round pa bago ako matulog. Past six o'clock na pala ng gabi nang tumingin ako sa wall clock na nakasabit sa dingding. Kahit nakapaa, naglakad ako palapit sa pintuan at binuksan ito para tingnan kung sino ang nasa labas ng pinto. “Mom?” Nagulat ako nang makita kong naghihintay sa labas ng pinto ang aking ina. “What took you so long to open the door?” pormal na tanong ni Mommy sa akin. “I'm sor

